Mga Bilang 2:34
Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga watawat, at gayon sila nagsisulong, na bawa't isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 1:19Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.
Numbers 2:2Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.
Numbers 10:28Ganito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, ayon sa kanilang mga hukbo; at sila'y nagsisulong.
Numbers 23:21Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
Numbers 24:5Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob, Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
Luke 1:6At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon.