Mga Bilang 3:10
At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
11At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Cross References
Exodus 29:9At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
Numbers 3:38At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
Numbers 16:40Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel, upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama: gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises.
Numbers 18:7At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
1 Samuel 6:19At sumakit ang Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.
1 Kings 12:31At siya'y gumawa ng mga bahay sa mga mataas na dako, at naghalal ng mga saserdote sa buong bayan, na hindi sa mga anak ni Levi.