Mga Bilang 4:49
Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
48Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu.
Cross References
Numbers 1:47Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
Numbers 2:33Datapuwa't ang mga Levita ay hindi ibinilang sa mga anak ni Israel: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Numbers 4:15At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
Numbers 4:24Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:
Numbers 4:32At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin.
Numbers 4:41Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.