Mga Kawikaan 16:6
Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
By mercy and truth iniquity is purged: and by the fear of the LORD men depart from evil.
In Context
Cross References
Genesis 20:11At sinabi ni Abraham, Sapagka't inisip ko. Tunay na walang takot sa Dios sa dakong ito: at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.
Leviticus 25:17At huwag kayong magdadayaan; kundi matatakot kayo sa inyong Dios: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
Nehemiah 5:9Sinabi ko rin, Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti: hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios, dahil sa pagdusta ng mga bansa, na ating mga kaaway?
Job 1:1May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan.
Psalms 85:10Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
Proverbs 8:13Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.