Mga Kawikaan 3:1
Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
My son, forget not my law; but let thine heart keep my commandments:
In Context
2Sapagka't karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.
Cross References
Deuteronomy 4:9Magingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;
Deuteronomy 5:16Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Deuteronomy 6:6At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso;
Deuteronomy 30:16Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.
Psalms 119:16Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Psalms 119:47At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.