Mga Awit 113:4
Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
The LORD is high above all nations, and his glory above the heavens.
In Context
3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
5Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,
Cross References
1 Kings 8:27Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
Psalms 57:10Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit, at ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
Psalms 99:2Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
Isaiah 40:15Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay.
Isaiah 40:22Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;