Mga Awit 39:12
Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha: sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo; nakikipamayan na gaya ng lahat na aking mga magulang.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
13Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas, Bago ako manaw, at mawala.
Cross References
Genesis 21:34At maraming araw na nakipamayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo.
Leviticus 25:23At ang lupain ay hindi maipagbibili ng magpakailan man; sapagka't akin ang lupain: sapagka't kayo'y taga ibang bayan at makikipamayang kasama ko.
2 Kings 20:5Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.
Job 13:28Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
Psalms 56:8Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?
Psalms 102:1Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo.