Mga Awit 4:2
Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:3At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko? payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.
1 Samuel 12:21At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.
Psalms 3:3Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Psalms 14:6Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha, sapagka't ang Panginoon ang kaniyang kanlungan.
Psalms 50:15At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
Psalms 58:1Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?