Pahayag 4:5
At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:16At nangyari ng ikatlong araw, ng umaga, na kumulog at kumidlat, at may isang salimuot na ulap sa ibabaw ng bundok, at ang tunog ng pakakak ay napakalakas; at ang buong bayan na nasa kampamento ay nanginig.
Exodus 37:23At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto.
Psalms 18:13Ang Panginoon naman ay kumulog sa mga langit, at pinatunog ng Kataastaasan ang kaniyang tinig; mga granizo, at mga bagang apoy.
Ezekiel 1:13Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas; parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.
Zechariah 4:2At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;
Matthew 3:11Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy: