Pahayag 4:9
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:18Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.
Psalms 48:14Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.
Daniel 12:7At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.
Hebrews 7:25Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.
Revelation 5:13At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
Revelation 10:6At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: