Mga Taga-Roma 3:5
Datapuwa't kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
6Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?
Cross References
Psalms 58:10Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
Nahum 1:2Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.
Romans 2:5Datapuwa't ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;
Romans 3:19Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
Romans 4:1Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman?
Romans 6:19Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.