Zacarias 12:5
At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 18:32Ang Dios na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at nagpapasakdal sa aking lakad.
Psalms 20:6Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
Psalms 68:34Inyong isa Dios ang kalakasan: ang kaniyang karilagan ay nasa Israel, at ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
Psalms 144:1Purihin ang Panginoon na aking malaking bato, na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma, at ang mga daliri ko na magsilaban:
Isaiah 1:23Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.
Isaiah 28:5Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa kaniyang bayan;