Zacarias 14:18
At kung ang angkan ng Egipto ay hindi umahon at hindi pumaroon, mawawalan din ng ulan sila, magkakaroon ng salot, na ipinanalot ng Panginoon sa mga bansa na hindi magsisiahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga balag.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:34Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.
Isaiah 60:12Sapagka't yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo, ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos.
Micah 5:8At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siya'y dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.
Zechariah 14:15At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.