Zacarias 7:6
At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And when ye did eat, and when ye did drink, did not ye eat for yourselves, and drink for yourselves?
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:7At doon kayo kakain sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y mangagagalak sa lahat na kalagyan ng inyong kamay, kayo at ang inyong mga sangbahayan kung saan ka pinagpala ng Panginoon mong Dios.
1 Samuel 16:7Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
Jeremiah 17:9Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?
Hosea 9:4Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.
1 Corinthians 11:20Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;
Colossians 3:17At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.