Zefanias 1:7
Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 16:5At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.
Job 40:4Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig,
Psalms 76:8Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit; ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Isaiah 2:12Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:
Isaiah 13:6Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
Isaiah 34:5Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.