2 Mga Cronica 20:3
At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:7Nang magkagayo'y natakot na mainam si Jacob at nahapis at kaniyang binahagi ang bayang kasama niya, at ang mga kawan, at ang mga bakahan, at ang mga kamelyo ng dalawang pulutong.
Judges 20:26Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon.
2 Chronicles 7:14Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
2 Chronicles 19:3Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.
Nehemiah 9:1Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.
Psalms 56:3Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.