2 Mga Cronica 36:13
At siya rin nama'y nanghimagsik laban sa haring Nabucodonosor, na siyang nagpasumpa sa kaniya sa pangalan ng Dios: nguni't pinapagmatigas niya ang kaniyang ulo at pinapagmatigas niya ang kaniyang puso sa panunumbalik sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:15Nguni't nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
Exodus 9:17Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan, na ayaw mo silang payaunin?
Joshua 9:15At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
2 Samuel 21:2At tinawag ng hari ang mga Gabaonita at sinabi sa kanila; (ang mga Gabaonita nga ay hindi sa mga anak ni Israel, kundi sa nalabi sa mga Amorrheo; at ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa sa kanila: at pinagsikapan ni Saul na patayin sa kaniyang sikap dahil sa mga anak ni Israel at Juda:)
2 Kings 24:20Sapagka't sa pamamagitan ng galit ng Panginoon ay nangyari sa Jerusalem at sa Juda, hanggang sa kaniyang itinaboy sila sa kaniyang harap: at si Sedecias ay nanghimagsik laban sa hari sa Babilonia.
2 Chronicles 30:8Ngayo'y huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayo'y mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.