2 Mga Cronica 36:14
Bukod dito'y lahat ng mga pinuno ng mga saserdote, at ang bayan, ay nagsisalangsang na mainam ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa; at kanilang dinumhan ang bahay ng Panginoon na kaniyang itinalaga sa Jerusalem.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:30Ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath, at igagalang ninyo ang aking santuario: ako ang Panginoon.
2 Kings 16:10At ang haring si Achaz ay naparoon sa Damasco upang salubungin si Tiglath-pileser na hari sa Asiria: at nakita ang dambana na nasa Damasco: at ipinadala ng haring si Achaz kay Urias na saserdote ang ayos ng dambana at ang anyo niyaon, ayon sa buong pagkayari niyaon.
2 Chronicles 33:4At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man.
Ezra 9:7Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito.
Jeremiah 5:6Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.
Jeremiah 32:35At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda.