2 Mga Cronica 36:22
Sa unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang loob ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 11:14At ipinagbangon ng Panginoon, si Salomon, ng isang kaaway na si Adad na Idumeo: siya'y sa lahi ng hari sa Edom.
1 Chronicles 5:26At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.
2 Chronicles 24:9At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
2 Chronicles 36:21Upang ganapin ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa ang lupain ay nagalak sa kaniyang mga sabbath: sapagka't habang giba ay kaniyang ipinagdidiwang ang sabbath, upang ganapin ang pitong pung taon.
Ezra 1:5Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
Isaiah 13:17Narito, aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.