2 Samuel 13:29
At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 36:24At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.
1 Samuel 22:18At sinabi ng hari kay Doeg: Pumihit ka, at iyong daluhungin ang mga saserdote. At pumihit si Doeg na Idumeo, at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote, at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu't limang lalake na nagsusuot ng epod na lino.
2 Samuel 14:6At ang iyong lingkod ay may dalawang anak, at silang dalawa'y nagaway sa parang at walang maghiwalay sa kanila, kundi sinaktan ng isa ang isa, at pinatay siya.
1 Kings 1:33At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.
2 Kings 1:9Nang magkagayo'y nagsugo ang hari sa kaniya ng isang punong kawal ng lilimangpuin na kasama ang kaniyang limangpu. At inahon niya siya: at, narito, siya'y nakaupo sa taluktok ng burol. At siya'y nagsalita sa kaniya: Oh lalake ng Dios, sinabi ng hari: Bumaba ka.
Micah 7:3Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.