Exodo 3:16
Yumaon ka at tipunin mo ang mga matanda sa Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob; ay napakita sa akin, na nagsasabi, tunay na kayo'y aking dinalaw, at aking nakita ang ginagawa sa inyo sa Egipto.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:7At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon.
Genesis 50:24At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.
Exodus 2:25At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.
Exodus 4:5Upang sila'y maniwala, na ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob ay napakita sa iyo.
Exodus 4:31At ang bayan ay naniwala: at nang kanilang marinig na dinalaw ng Panginoon ang mga anak ni Israel, at kaniyang nakita ang kanilang kapighatian, ay iniyukod nga nila ang kanilang mga ulo at sumamba.
Exodus 15:14Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia.