Isaias 10:13
Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 7:2At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin.
2 Kings 16:8At kinuha ni Achaz ang pilak at ginto na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari, at ipinadalang kaloob sa hari sa Asiria.
2 Kings 17:24At ang hari sa Asiria ay nagdala ng mga tao na mula sa Babilonia, at sa Cutha, at sa Ava, at sa Hamath at sa Sepharvaim, at inilagay sila sa mga bayan ng Samaria na kahalili ng mga anak ni Israel: at kanilang inari ang Samaria, at nagsitahan sa mga bayan niyaon.
2 Kings 18:15At ibinigay ni Ezechias ang lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari.
2 Kings 19:22Sino ang iyong pinulaan at tinungayaw? at laban kanino itinaas mo ang iyong tinig at ipinandilat mo ang iyong mga mata ng mataas? sa makatuwid baga'y laban sa Isang Banal ng Israel.
1 Chronicles 5:26At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.