Jeremias 49:8
Magsitakas kayo, magsibalik kayo, kayo'y magsitahan sa kalaliman, Oh mga nananahan sa Dedan; sapagka't aking dadalhin ang kapahamakan ng Esau sa kaniya, sa panahon na aking dadalawin siya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:2At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel: at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok, at ng mga yungib, at ng mga dakong matibay.
Isaiah 2:21Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
Jeremiah 6:1Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa hilagaan, at isang malaking paglipol.
Jeremiah 46:21Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila.
Jeremiah 48:28Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.
Jeremiah 49:30Magsitakas kayo, gumala kayo ng malayo, magsitahan kayo sa kalaliman, Oh kayong mga nananahan sa Hasor, sabi ng Panginoon; sapagka't kumuhang payo si Nabucodonosor na hari sa Babilonia laban sa inyo, at may ipinasiya laban sa inyo.