Job 21:5
Tandaan ninyo ako, at matigilan kayo. At ilagay ninyo ang inyong kamay sa inyong bibig,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Mark me, and be astonished, and lay your hand upon your mouth.
In Context
4Tungkol sa akin, ay sa tao ba ang aking daing? At bakit hindi ako maiinip?
6Pagka aking naaalaala nga ay nababagabag ako, at kikilabutan ang humahawak sa aking laman.
Cross References
Judges 18:19At sinabi nila sa kaniya, Pumayapa ka, itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin, at maging ama at saserdote ka namin: magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel?
Job 17:8Mga matuwid na tao ay matitigilan nito, at ang walang sala ay babangon laban sa di banal.
Job 29:9Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
Psalms 39:9Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig; sapagka't ikaw ang gumawa.
Amos 5:13Kaya't siya na mabait ay tatahimik sa panahong yaon; sapagka't masamang panahon.
Romans 11:33Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!