Juan 6:31
Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Our fathers did eat manna in the desert; as it is written, He gave them bread from heaven to eat.
In Context
Cross References
Exodus 16:35At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon, hanggang sa sila'y dumating sa lupaing tinatahanan; sila'y kumain ng mana hanggang sa sila'y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.
Deuteronomy 8:3At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.
Nehemiah 9:15At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.
Psalms 78:24At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit.
John 6:49Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.
1 Corinthians 10:3At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;