Levitico 22:18
Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinakahandog na susunugin;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
17At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
Cross References
Leviticus 1:2Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.
Leviticus 7:16Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:
Leviticus 17:13At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.
Numbers 15:3At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng kusang handog, o sa inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan:
Deuteronomy 12:6At doon ninyo dadalhin ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, at ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang inyong mga panata, at ang inyong mga kusang handog, at ang mga panganay sa inyong mga bakahan at sa inyong mga kawan:
Deuteronomy 16:10At iyong ipagdidiwang ang kapistahan ng mga sanglinggo sa Panginoon mong Dios na may dulot ng kusang handog ng iyong kamay, na iyong ibibigay, ayon sa ipinagpala sa iyo ng Panginoon mong Dios: