Levitico 22:19
Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:5Ang inyong korderong pipiliin ay yaong walang kapintasan, isang lalake, na iisahing taon: inyong kukunin sa mga tupa, o sa mga kambing:
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.
Leviticus 4:32At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya.
Matthew 27:19At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.
Matthew 27:54Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.
Luke 23:41At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.