Lucas 21:18
At hindi mawawala kahit isang buhok ng inyong ulo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
But there shall not an hair of your head perish.
In Context
17At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
19Sa inyong pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.
Cross References
1 Samuel 14:45At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: buhay ang Panginoon, hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay.
2 Samuel 14:11Nang magkagayo'y sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, na alalahanin ng hari ang Panginoon mong Dios, na huwag patayin ng mapanghiganti sa dugo kailan man, baka kanilang ibuwal ang aking anak. At kaniyang sinabi: Buhay ang Panginoon, walang buhok ng iyong anak na mahuhulog sa lupa.
Luke 12:7Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.