Marcos 13:17
Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
But woe to them that are with child, and to them that give suck in those days!
In Context
16At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
18At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.
Cross References
Lamentations 2:19Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.
Lamentations 4:10Ang mga kamay ng mga mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak; mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
Hosea 13:16Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.
Luke 21:23Sa aba ng mga nagdadalangtao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.