Mateo 27:39
At siya'y nililibak ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And they that passed by reviled him, wagging their heads,
In Context
38Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Cross References
Job 16:4Ako nama'y makapangungusap na gaya ng inyong ginagawa; kung ang inyong kaluluwa ay nasa kalagayan ng aking kaluluwa, ako'y makapagdudugtongdugtong ng salita laban sa inyo, at maigagalaw ang aking ulo sa inyo.
Psalms 22:6Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.
Psalms 31:11Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, at takot sa aking mga kakilala: silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
Psalms 69:7Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
Psalms 109:2Sapagka't ang bibig ng masama at ang bibig ng magdaraya ay ibinuka nila laban sa akin: sila'y nangagsalita sa akin na may sinungaling na dila.
Lamentations 1:12Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.