Mateo 4:21
At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
20At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.
22At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.
Cross References
Matthew 10:2Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;
Matthew 20:20Nang magkagayo'y lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.
Mark 1:19At paglakad sa dako pa roon ng kaunti, ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid, na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat.
Mark 5:37At hindi niya ipinahintulot na sinoma'y makasunod sa kaniya, liban kay Pedro, at kay Santiago, at kay Juan na kapatid ni Santiago.
John 21:2Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at si Natanael na taga Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.