Nehemias 6:11
At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 3:10At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
1 Samuel 19:5Sapagka't kaniyang ipinain ang kaniyang buhay, at sinaktan ang Filisteo, at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel: nakita mo at nagalak ka; bakit nga magkakasala ka laban sa walang salang dugo, na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan?
Nehemiah 6:9Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.
Psalms 11:1Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
Psalms 112:8Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Ecclesiastes 10:1Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.