Mga Bilang 13:22
At sila'y umakyat sa dakong Timugan, at sila'y dumating sa Hebron; at si Aimen, si Sesai at si Talmai, na mga anak ni Anac, ay nangaroon. (Ngayon ang Hebron ay natayong pitong taon bago ang Zoan sa Egipto).
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:18At binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon.
Numbers 13:17At sinugo sila ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, at sinabi sa kanila, Sumampa kayo rito sa dakong Timugan at umakyat kayo sa mga bundok:
Joshua 11:21At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
Joshua 15:13At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
Joshua 21:13At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
2 Samuel 2:1At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron.