Mga Taga-Roma 2:11
Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
For there is no respect of persons with God.
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:17Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.
2 Chronicles 19:7Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.
Proverbs 24:23Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
Luke 20:21At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.
Galatians 2:6Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
Ephesians 6:9At kayong mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, at sa kaniya'y walang itinatanging tao.