Mateo 27:29
At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
28At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube.
30At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.
Cross References
Psalms 69:7Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
Isaiah 49:7Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
Jeremiah 20:7Oh Panginoon, iyong hinikayat ako, at ako'y nahikayat; ikaw ay lalong malakas kay sa akin, at nanaig ka: ako'y nagiging katatawanan lahat ng araw, bawa't isa'y tumutuya sa akin.
Matthew 26:49At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
Mark 15:18At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!
John 19:2At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube;